#IponGoals: My Ipon Diary Book Review 

Jan 27, 2018 | Money Matters

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-2844138770334366" data-ad-slot="3792955255" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Mommies, alam ko halos lahat tayo ay may mga #ipongoals this year. Pero hindi mo ba alam paano makakapag-start.. or paano magtutuloy tuloy mag-save ng pera.. Yung makatapos ka talaga this year ng 52-week money challenge.

Sabi nga ni Coach Chinkee, mas madali pa mag-ipon ng taba kesa sa pera. Agree ba kayo mommies? (hehe)

Paano ba makaka-ipon?

Share ko lang sainyo mommies. Last week, I am very thankful to be part of Coach Chinkee Tan’s book launch and seminar, it was a jam-packed, learning-filled seminar and book launch.

Paano ba makaka-ipon?-2

Paano ba makaka-ipon?-3

Coach Chinkee’s newest book is entitled “My Ipon Diary”. Bagay na bagay ito sa mga taong gustong makapag-ipon this year.

Here’s what I love about “My Ipon Diary” book mommies: 

  •  Interesting & Informative – I’m sure kung nakabasa na kayo ng book ni Coach Chinkee makaka-relate kayo na walang- dull moment ang pagkakasulat at sobrang informative sya. It was loaded with “Ipon Tips” that will make it really possible for all of us to save money this year at maging isang Iponaryo.
  • Graphic – I love the layout and ma-graphics yung book kaya mas nakaka-enjoy basahin.

Paano ba makaka-ipon?-6

  • Very-handy – pwede mo sya dalhin any where and hindi bulky sa bag kasi saktong sakto lang yung size nya.
  •  Action Oriented – hindi mo lang sya babasahin, ma-aapply mo sya talaga sa buhay dahil sa mga free formats ng charts and at may free pa na stickers na kasama sa book to help us be encouraged to really save and apply all the lessons in the book.

Paano ba makaka-ipon?-4

Paano ba makaka-ipon?-7

  •  Pasok sa budget – tipid mommies, ito ang pinaka-favorite natin, P150 lang sya, oh di ba? Parang isang kain mo lang sa labas, or isang pedicure lang mommies pero ito, worth the investment talaga.
Paano ba makaka-ipon?-5

This year, isa talaga sa Financial Goals namin ay maka-ipon ng pang tuition ni Zee pati ng advance tuition for Next School Year. Nag start kami sa 52-week challenge  para maka-ipon ng amount na goal namin 🙂

So mommies, if you one of your goals is to save this year, getting a copy of this book is highly recommended, parang si Coach Chinkee mismo ang saving buddy nyo dahil sa book na ito.

What are you saving for this year inays? Share nyo naman!

xo

6 Comments

  1. Michi

    I’ve watched some of Chinkee Tan’s video on FB and YT so I’m sure okay din ang book na yan. Sa kanya ko din yata narinig yung “Money is relative, the more money you have, the more relatives you have”. 🙂 True, madali mag-ipon ng taba kaysa pera but we can really save kung yun ang magiging priority natin.

    Reply
  2. Neri Ann

    Wala na talagang reasons ngaun na hindi ka pwedeng mag ipon kasi sobrang dame ng resources. Aside sa online, natuto din ako sa pagbabasa ng mga ebook naman. I haven’t got this copy yet but I need to have one soon!

    Reply
  3. Shalene R

    Goal ko mag-ipon this year! Challenge talaga siya. Iniipon ko ngayon mga 50 peso bills 🙂 I’m not really into money-related books pero I’ll check this out sa bookstore!

    Reply
  4. Angel Caronongan-Enero

    Ang ganda nga ng graphics at mura lang P150 swak sa budget. Hopefully this year magawa ko ang ipon challenge na ilang taon na di ko natupad. Puro taba lang. hehehe!

    Reply
  5. Janice

    I’ve heard Chinkee Tan speak before and he was really inspiring. Pero wala pa kong nabasa na book niya. This one looks like a great one to start with. Gusto ko din makapag-ipon.

    Reply
  6. Maan

    Uy I’m interested in the free charts and stickers – aside from Chinkee Tan’s advice, of course! I’ve been meaning to get this book but haven’t found the time yet. Dapat makabili na!

    Reply

Trackbacks/Pingbacks

  1. Tipid Mommy Finds: My Favorite Financial Literacy Books | - […] (Here’s my full review about this book: My Ipon Diary Book Review ) […]
  2. How to build the habit of saving and investing? | - […] ko yung part ng book ni Coach Chinkee Tan, na mas madali pa mag-ipon ng taba “bilbil” kesa sa pera.…

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

About Me

Tipid Mommy

Tipid Mommy is a mom blog aiming to inspire women, wives and most especially moms to live a joyful life within the budget.

CLICK HERE: To join our online community of budget conscious moms.

Communities

Facebook Pagelike Widget