Mga dahilan bakit hindi tayo makaipon

Aug 27, 2018 | Money Matters

<ins class="adsbygoogle" style="display:block" data-ad-client="ca-pub-2844138770334366" data-ad-slot="3792955255" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Mommies, natanong nyo ba ito sa sarili ninyo? Bakit tuwing January sobrang excited tayong maka-ipon, parang “this is it” “this year we will save money” pero kapag June na, kahit singko, wala tayong na-save… Ouch!

howtosavemoneytipidmommy

Share ko lang ang mga usual na dahilan or reasons bakit nga ba hindi tayo nakaka-ipon successfully?

 

  • Lack of financial planning – hindi nag-babudget, walang clear na plano sa area ng finance kaya madalas wants ang mas napapag gastusan kesa sa mga needs kagaya ng savings. Ang tip talaga mga sis, ibawas na agad ang para sa savings. Sa family namin, pagkatanggal ng tithes and offering, hulog na agad para sa savings/investments like yung para sa mga insurances.

  • Debts – yung credit card bill, di ba anlakas maka-gulo ng budget plan. Kapag marami tayong utang mahirap talaga maka-ipon kaya ang tip talaga ng most financial experts ay to settle the debts first before saving money. Mas ok nga mommies ay i-zero out muna ang debts. Kung kailangan i-withdraw ang mga laman ng bank accounts at mag-benta ng gamit gamit para maka-settle agad muna ang debts bago mag-simula ng savings. 

(Read: Kailangan ba bumili kapag Sale?)

  •    Lack of Motivation – minsan gustong gusto natin maka-ipon pero kaya sa gitna ng taon  pa lang ay nag-stop na tayo dahil kulang sa motivation. Kadalasan wala tayong goal bakit tayo nag-iipon or nag-sisave, mas nakaka-encourage mag-save kapag may target tayo. Example, gusto natin maka-ipon ng 1,000/month para by December may P12,000 tayo na pang small home renovation. Kapag may goal kasi, napansin ko na mas ganado kaming mag-save at nakaka-excite kasi nakikita natin na possible pala makamit ang goals kapag nakakapagtabi kahit small amounts regularly.

  • Lack of Discipline – aminin na natin, ang-hirap naman talaga mag-save sa simula, lalo na kapag hindi ito natural sa atin. Especially if we didn’t grow up in a family that teaches us about money values like saving.  Minsan may mga testing time pa, lalo na kapag sale, “bibilhin ko ba ito ngayon? Or itatabi ko para sa savings?” #thestruggleisreal, pero kailangan natin i-lead ang sarili natin, hindi tayo dapat ang ma-control ng emotions natin dapat tayo ang mag-control ng feelings at emotions natin. May mga kailangan talaga i-sacrifice, pero ganun naman talaga kapag may gusto tayo i-achieve di ba?

( Read: Budgeting and Financial Goal Setting)

  • Lack of Income- ilan beses na kami nag-fail sa pag-iipon, pero na-realize namin na sobrang budgeted na kami, lahat na ng tips and tricks nagawa na namin, simula sa simpleng meal plan, pag-bili ng personal care, at marami pang iba. Pero wala pa rin, kasi money in na pala ang problem, kulang talaga yung income, so hanap kami ng sideline at part-time job para magkaroon kami ng capacity makapag save. Baka ganun din ang ilan sainyo, tipid na tipid na pero hindi pa rin talaga kaya, time na rin siguro to explore new opportunities kahit mga online at work from home sidelines para sa ating mga full time moms.

 

Sa simula challenging talaga makapag-ipon, pero kapag na-build na natin itong habit or part ng routine natin, magiging normal at regular nalang sa atin ang pag-iipon.

But first, we need to assess what the barriers are. Bakit nga ba hindi tayo makapag save successfully? Kapag nahanap natin ano yung nag-hihinder bakit hindi tayo maka-ipon, naku, I’m sure magiging successful din ang mga ipon goals natin mga mommies.

 

Kayo mommies, may inputs ba kayo kung ano pa ang madalas pumipigil sa atin makapag ipon?

 

xo

1 Comment

  1. Emery Ocampo

    Yung isang bagay na nakakapag-hinder sakin bakit di ako makapag-ipon is dahil sa mga biglaang gastos. Yung mga tipong yung anak ko may biglang kailangan na project, or yung mga biglaang labas ng bahay. Pero dapat kahit ganon, may ipon pa din dapat na hindi talaga magagalaw muna. Salamat dito, ang dami kong natutunan! 🙂

    Reply

Trackbacks/Pingbacks

  1. How to build the habit of saving and investing? | - […] (Read:Bakit hindi tayo nakakaipon?) […]

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

About Me

Tipid Mommy

Tipid Mommy is a mom blog aiming to inspire women, wives and most especially moms to live a joyful life within the budget.

CLICK HERE: To join our online community of budget conscious moms.

Communities

Facebook Pagelike Widget